Ibinaba ng Pag-IBIG Fund ang interest rate sa 3% kada taon mula sa dating 4.5% kada taon para sa unang limang taon ng utang na nagkakahalaga ng hanggang P450,000. Ito ay sa
ilalim ng kanilang affordable housing program (AHP) na may repayment period na hanggang 30 taon.

Ayon kay Secretary Eduardo D. del Rosario, Chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council at Pag-IBIG Fund Board of Trustees, ang pinakamababang interes ng Pag-IBIG Fund ay kontribusyon nito sa BALAI Filipino (Building Adequate, Livable, and Inclusive Filipino Communities) program ng pamahalaan at sa direktiba ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na maglaan ng pagkakataong magkabahay ang bawat pamilyang Pilipino, kahit ano pa ang kanilang estado sa buhay o buwanang kita. “Sa mababang interest rates ng affordable housing program ng Pag-IBIG Fund, ang buwanang amortisasyon para sa utang na nagkakahalaga ng P450,000 ay bumaba sa P1,897.22 na lamang, mula sa dating P2,280. Bumaba ang buwanang bayarin ng halos 5% dahil din sa mga reporma gaya ng pagbaba ng fire and allied perils insurance premium,” sabi ni Secretary del Rosario. Dahil sa mababang interest rates ng Pag-IBIG Fund, madali na lang para sa mga kumikita ng minimum-wage ang makabili ng sariling pabahay, sa presyong singhalaga ng binabayad nila sa paupahang bahay.
Nasabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive (CEO) Acmad Rizaldy P. Moti na ang affordable housing program ay binuo para sa mga sektor na hindi napagsisilbihan o kulang sa natatanggap na serbisyo.
“Dahil sa taunang tax savings ng Pag-IBIG Fund, may sapat kaming pondo para masubsidize ang mababang interest rates sa AHP, na ginawa para sa mga mababa lamang ang buwanang kita. Sila ang mga miyembro ng Pag-IBIG na kumikita ng hindi tataas sa P15,000 kada buwan sa NCR at ang mga miyembro sa ibang rehiyon na kumikita ng hindi tataas sa P12,000 kada buwan. Hindi sila madalas mapagsilbihan ng mga nagpapautang mula sa pribadong sektor. Ngunit sa Pag-IBIG Fund, tinutulungan namin ang mga manggagawang may mababang buwanang kita upang makabili sila ng sariling bahay. Ang mababang interest rate sa affordable housing program ay isa sa mga biyaya ng pagbabago mula sa Pag-IBIG Fund,” ani Mr. Moti.
Dagdag naman ni Pag-IBIG Fund Deputy CEO para sa Home Lending Operations Cluster Marilene C. Acosta, “Layunin naming mapadali para sa mga kumikita ng maliit lamang na makamit ang kanilang pangarap na sariling bahay. Kaya naman tinanggal namin ang equity requirement sa pagbili ng socialized housing unit at pinaunti rin namin ang bilang ng application requirements, 7 dokumento na lamang mula sa 14 dokumento.”
Ibinaba rin ng Pag-IBIG Fund ang interest rates nito para sa 1-year at 3-year repricing period, sa 5.375% at 6.375%, ayon sa pagkasunod-sunod. Ang mga ito ang pinakamababang interest rates ng Pag-IBIG Fund sa ilalim ng regular housing program nito.
Noong 2017, inaprubahan ng Pag-IBIG Fund ang housing loans na nagkakahalaga ng P81.8 bilyon, na tutustos sa 98,311 na bahay. Mula sa halagang ito, P65.1 bilyon ang naibigay sa 80,964 member-borrowers. Sa mga miyembrong ito, higit 30% o 24,705 miyembro ang nakahiram sa ilalim ng socialized housing sa halagang P8.9 bilyon, habang 11% o 9,178 ang nakahiram ng P3.3 bilyon sa pinakamababang interest rate na 3%.

Readmore . . . http://www.pagibigfund.gov.ph
For FREE Tripping and Assistance
Contact us:
(Viber/Whatsapp/IMO/Skype)
+63 917 530 5817 (Globe)
+63 908 884 7387 (Smart)
+632 703 2965 (Manila Telephone)
+6346 440 5579 (Cavite Telephone)
Email us at: pagibighouseforsale@yahoo.com
WEBSITE: www.pagibighouseforsale.com
No comments:
Post a Comment